MAPamore!
Posted by Liam_Orpilla20 on 18 February 2020 in English. Last updated on 19 February 2020.Mabuhay! Isang karangalan sa akin ang magkaroon ng isang kurso na may kinalaman sa Teknolohiya. Lalo pa’t ito’y makakatulong hindi lamang sa aming sintang paaralan, ngunit pati na rin sa buong bansa! Magkahalong lungkot at saya ang aking nadarama ngayong araw. Malungkot dahil ito na ang pagtatapos ng aming session. Hahanap-hanapin ko ang pagtuturo ni Sir gamit ang wikang ingles na kung saan kami’y aliw na aliw at nakikinig ng husto. Napakahusay! At sa pag gabay, siya’y palaging nariyan; itaas lamang ang kamay. Salamat po, Sir. Olario. At syempre, ang mga poging anak ni Sir, hahaha.. Sobra po akong nag papasalamat sa mga kuya kung tumulong upang marating ang top 2. Kayo po ang nagsilbing hagdanan upang makamit ko ang tala ng sintang paaralan. Salamat po sa inyo! Tatanawin ko po itong utang na loob :) ^_^ Sobra po akong nagpapasalamat sa inyo! Alam ng Diyos kung anong saya at galak ang aking nadarama!
Sa pagtatapos, napakaraming bagay ang aking natutunan; 1.Matutong mag tiwala sa Diyos dahil siya ang nagbibigay ng lakas, talino at karunungan upang matapos ang gawain 2.Huwag maging makasarili at matutong tumulong sa iba. Tumulong ng walang nakakakita 3. Maging masaya sa lahat ng ginagawa. Ituring na isang prebilihiyo ang pagmamapa 4. Maging responsable sa mga sinasabi ng Guro at makikinig ng mabuti 5. At ang huli, Pumasok ng maaga para hindi mahuli sa klase!
Padayon! Para sa Sintang Paaralan! Mula sa’yo para sa Bayan! RANK #2
Discussion
Comment from GOwin on 19 February 2020 at 09:45
Maraming salamat! Sana ay maulit ang pag-tulong ninyo sa paga-ambag ng datos sa OSM.